McArthur
February 20th, 2012
bagotilyo
By: Bob Ong
Ito ang isa sa mga sinulat ni Bob Ong na tumanggap ng pinakamaraming kritisismo ; puro daw murahan at may halong karahasan. Pero para sa akin ay hindi maitatanggi ang galing niya upang salaminin ang realidad ng buhay. Hindi lahat kayang magsulat ng katotohanan at hindi lahat kayang tanggapin ito ng buong buo. Oo , totoong nagaganap ang ganyang klase ng kwento at pangyayari dito sa mundo. Kung hindi matanggap ng ilan ang realidad na ito nasa kanila na iyon.
Flames Hope Vs. Love Calculator
February 13th, 2012
bagotilyo
Dahil sabaw pa ang utak ko at dahil balentayms naman naisip kong gumawa ng post para sa mga inlab. Para sa inyo hindi para sakin.
Ang Superman ng Manila
February 3rd, 2012
bagotilyo
Dahil bagot na bagot na ako sa bahay at napagtanto ko na sobra na pala ang pag-eemote ko. Naisipan pero hindi ko pinagplanuhan na mag JOB HUNT. Hinanda ang materyales (earphone , Cellphone, Resume , Bolpen, tubig , Biskwit , Kendi, Panyo , at ilang gamot. ) nilisan ko ang kabundukan , tinawid ang karagatan at sinuong ko ang siyudad ng mag-isa.
The Five People You Meet in Heaven
January 31st, 2012
bagotilyo
By: Mitch Albom
“ This is the greatest gift God can give you. To understand what happened in your life.To have it explained. It is the peace you have been searching for.”
Tambay’s Thought (Coke edition)
January 26th, 2012
bagotilyo
Ano nga ba ang saloobin at nararamdaman ng isang tambay na katulad ko? Matapos magtapos sa kolehiyo at makuha ang diploma ay parang nawalan na ng direksyon ang dating estudyante na puno ng pangarap sa buhay. Walang malinaw , lahat Malabo . Para na lang ako ngayong bote ng 1.5coke na palutang lutang sa dagat. Tinatangay ng alon .At dahil na din sa kahinaang taglay nagpatangay na lang ako dito. Walang direksiyon.walang tiyak na patutunguhan. Bumunggo man sa floating ebak na faded na ang kulay at may hindi maintindihang texture dahil sa sobrang pagkababad nito sa dagat ay wala na akong pakialam. Siguro may pakialam pa ko pero wala akong lakas para labanan ang alon. Ang hina ko. (lalo na sa tukso)
Lumayo Ka Nga Sa Akin
January 23rd, 2012
bagotilyo
by: Bob Ong
Nung makita ko ang cover ng book na parang pang precious hearts romance ang itsura ay akala ko na ang tema ng libro ay heavy romance – hindi pala (spoiler lang) hahahha.
Isa ito sa pinaka-makulit na libro ni Bob ong . Dito pinaalala niya sa akin kung bakit isa siya sa mga paborito kong manunulat sa ngayon. Sinulat niya ang isang katotohanan (isang hindi masyadong magandang katotohanan) sa paraang “magaan” , sa paraang hindi masyadong nakaka”Stress” , sa paraang simple pero sapul kung sapul ang dapat tamaan ,at sa paraang matatawa ka sa ilang eksena. Ikinahon niya ang isang katotohanan at binigay sayo ang gunting upang gupitin ang tape na nakabalot sa kahon at buksan ito o maari mo ding gamitin ang gunting para gupitin pati ang nilalaman nito.
Ang Baston ni Lolo na may magic powers
January 16th, 2012
bagotilyo
9:40 PM
Sa kalaliman ng gabi habang ang ibang pangyayari ay nagaganap sa ibang lugar ; May gumagawa ng bata sa Palawan , may namatayan sa batangas , may isinilang na cute na sanggol sa germany , may nag-orgasmo sa isang pampublikong palikuran , may nanakawan sa quiapo , may nagdadasal ng ama namin , may nag iinuman sa kanto , may pumutok na pimple ng isang dalaga sa Europe ,at may busy sa sa pagbabasa ng walang kwentang blog (gaya nito) —ay pinili kong humiga sa aking kwarto , kinuha ang bolpen na HBW at sinubukang magsulat ng mga random na bagay. Ilang gabi na ding natuyuan ng tinta ang aking bolpen , ilang papel na ang pinilas, ginusot at sabay three points sa basurahan. Pero ngayon gabi dahil tila nalangisan na ang aking utak ay nagsimula na ulit itong gumana. Ang aking utak minsan ay mas tamad pa sa kanyang amo , kailangan lagi ng motivation . (pathetic isn’t it?) – may maisingit lang na English?. hehe Hawak ang bolpen naisipan kong magsulat ng random na bagay.
Si BRO at Ako ( A year end post)
December 31st, 2011
bagotilyo
Gusto kong bago matapos ang taon ay tungkol kay LORD ang isusulat ko sapagkat siya ang natatanging dahilan kung bakit mayroong ako , kung bakit may MJ sa mundo , Kung bakit may Bagotilyo. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakapagisip , nakakapagsulat , nakakapagblog at kung bakit ako nabubuhay. At dahil utang ko hindi lamang ang taong ito kung hindi ang dalawampu’t dalawang taon ng buhay ko sa kaniya kinapalan ko na ang muka ko ay hinandugan ko siya ng isang awitin noong kanyang kaarawan ( December 25,2011)




